A day in the Life of a Jeepney rider
April 26, 2008 by yolynne
Mahilig po akong sumakay sa Jeep
Kasi gustong gusto kong maka-kita ng iba’t ibang mukha
Sa bawat itsura ng pasahero, may istorya kang magagawa
May iba dyan.. medyo katawa tawa
Ngunit meron din naman, super nakakaawa
Natuwa ako kanina
Nang may narining akong istorya
Kunyari tahimik ako..ngunit wari mo’y isa rin akong tsismosa
Sabi ng Ale, “Dialo lang nuway laman el pitaka…”
“Basta nuway lang hente ta anda cubra na Casa”
Siguro takot ang ale sa utang
kasi ang nilalaman ng sinabi nya ay
ang kanyang pagka dismaya sa
pagkakaroon nito, dibale na raw
kahit wallet niya ay walang laman
basta sa kanyang tahanan
walang nainingil ng utang


